annscreams.blogspot.com
the author
lost? run home.

ann
Criselle Ann. 21. aka Ann/ Crizy/ Kirk/Tish. Registered Nurse. eclectic. ironic. a little narcissistic. dreams to be content.



adores:
weekends. graffiti. journals. guitar demons. star-dotted skies. pink clouds. notebooks. cool rainy days. fat penguins. friendly robots.

note: hey i rule around here so be nice alright? no hate messages pls. constructive comments shall be appreciated.kawaii

history
must-reads
small talk

comments? gossip? link exchange? wanna talk? anything at all?love


Free chat widget @ ShoutMix


soundtrip
4.24.2008
dahil mababaw lang ang tuwa ko..
kaya naman natawa ako dito.. (lifted from i-can't-remember-where)

buti pa ang kalendaryo may date
buti pa ang hersheys may kisses
buti pa ang probability may chance
yung ibang tao wala!
buti pa ang telepono hini-hello
buti pa ang film nadi-develop
buti pa ang typewriter nata-type-pan
yung ibang tao hindi!
buti pa ang exams sinasagot
buti pa ang problema iniisip
buti pa ang homework inu-uwi
ung ibang tao hindi!
buti pa ang panyo na dadantay sa pisngi
buti pa ang baso dinadampian ng labi
buti pa ang unan inaakap sa gabi
buti pa ang kamalian napapansin
buti pa ang salamin minamasdan
buti pa ang hininga hinahabol
yung ibang tao hindi!!!!!!
buti pa ang tindera nagpapatawad
buti pa ang awit at tugtog pinagsasama
buti pa ang sugat inaalagaan
buti pa ang lungs malapit sa puso
buti pa ang kotse mahal
buti pa ang pera iniingatan
yung ibang tao hindi!!!

Wala lang. Anyway, dahil tagalog ko na inumpisahan 'to so itutuloy ko na rin ang pagtatagalog. Tagalog mode muna ako ngayon. Pasensya na lang sa mga foreigners na readers ko. Pero ok lang, dadalawa lang naman ata sila. hehe.

Ayoko sanang magkwento tungkol sa summer classes kasi nakakataas ng blood pressure. Kaya lang ano naman ang ikikwento ko besides dun eh aral, uwi, tulog, review lang naman ang naging buhay ko for the past two weeks. Gustong-gusto kong gumawa ng iba pang makabuluhang bagay kaya lang sadyang wala na akong energy pagkatapos ng isang buong araw sa skul. Dapat pala naniwala ako nung sabihin sa amin kelan lang na malapit na talagang matapos ang maliligayang araw namin.

Actually kung ako ang tatanungin eh hindi naman mahirap ang Nursing (as of now). Nakakapagod lang talaga. Yung tamang manggigigil ka na lang sa tabi pero wala ka naman magagawa kundi sumunod.

Anyway wala naman talaga akong karapatan magcomplain kasi, sabi nga ng ulirang ina ko, maraming tao pa dyan ang mas naghihirap kesa sa kin. Kumbaga O.A. lang talaga ako. hehe..

Nakakainis lang talaga kasi they took away my precious summer vacation!!!

Pero kahit ganun eh enjoy pa rin naman kahit papano. Andyan ang mga bago (pati luma) kong kaibigan araw-araw at marami akong bagong natututuhan as opposed to two months of sedentary lifestyle I used to always have kapag darating na ang April at May. Nakaka-elevate nga naman ng pagkatao. haha.

Hmm. Sa ngayon ay mananahimik na ako kasi tinatamad na akong ituloy ito at nahihirapan na rin akong magtagalog (Siyet. Nakakahiya kay Rizal. hehe).

Ai oo nga pala, speaking of Jose Rizal, pinanood namin sa klase yung movie ng life niya para sa PSEUDO-major subject namin for summer: the Rizal course. It was the version starred by Cesar Montano. Hindi ako fan ni Cesar at lalong hindi ako isa sa mga nagpapicture kasama siya nung bumisita siya sa school namin para manggitara at kumanta noong nakaraang eleksyon. Pero sobrang natouch ako sa professional acting niya dun sa movie. At dahil nga hindi lang tawa ang mababaw sa akin kundi luha din, eh medyo naiyak-iyak ako. Naappreciate ko tuloy si Rizal. Yun lang.. The rest is corny and more teary-eyed history.

happy bday to my friends juni, jo and amie..
tnx to gyk for the tips!:)

Labels: , , ,

link me!
ann.screams.hearts.

brain cells worked
at around: 6:47 PM.